Gising.Ligo.Kain Alis.Uwi.Tulog
Masarap bumiyahe, maraming kang makikita, marami kang masasaksihan sa kalsada, marami kang makikilala.
Araw araw na ritwal ko na yang mga yan, ngayon ko narealize na mahirap magtrabaho, mahirap kitain yung pera na hinahangad ng karamihan. Minsan, ang hirap gumising at tumayo para pumasok, minsan nawawala yung desire mo na kumita ng pera, kasi marerealize mo na di naman pera yung sole purpose kung bakit ka nagtatrabaho, maaaring isa alng yun sa dahilan ng tao kung bakit ka nagtatrabaho.
Umpisa pa lang to ng buhay ko bilang isang empleyado, marami na agad akong nakitang disadvantage neto, kaya naman di ko pangarap na maging emplayado habang buhay, i want to be my own boss someday. Soon. Sana.










